Friday, August 22, 2014

Maharlika Wealth

image from  www.maharlikarevisited.blogspot.com


Ang kayamanan ng Bayan ng MAHARLIKA ay pamana na laan ng DIYOS para sa SAMBAYANAN at SANGKATAUHAN at ito ay nakalaan sa ngalan ng KALAYAAN. Ang MAHARLIKA ay nagsimula mismo nang Nilikha ang Unang mga Magulang si Addan at Eba, Toglai at Toglibon sa Lupang Tinubuan ng MAHARLIKA upang ang bawa't Tao ay maging Mahalaga na MALAYANG NILIKHA, maging MAHARLIKA.

Ang mga Diwata, si Haring Bernardo Carpio, Ang Sri Vijaya - Majapahit royalty, mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Pres. Ferdinand Marcos ay pawang mga TAGAPAGPANGASIWA ng Kayamanan ng MAHARLIKA upang ipamana para sa kabutihan ng MAHARLIKANG SANGKATAUHAN at ito ay pagmay-ari ng DIYOS at wala nang iba.




(The Wealth of the Nation of MAHARLIKA is Heritage by DIVINE PROVIDENCE for our COUNTRYMEN and for HUMANITY and this is intended in the name of FREEDOM. MAHARLIKA originated since the very beginning with the Creation of First Parents Addan and Eba, Toglai and Toglibon, in the Land of our Birth MAHARLIKA so that every Human Being shall be Noble FREE CREATION, shall be MAHARLIKAN.

The Diwatas, King Bernardo Carpio, the Sri Vijaya - Majapahit royalty, heroes Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Pres. Ferdinand Marcos, were all ADMINISTRATORS of the MAHARLIKA Wealth to be inherited for the benefit of MAHARLIKA HUMANITY and is owned by DIVINE PROVIDENCE and none else.)

Monday, August 4, 2014

mula Haring Bernardo Carpio, Sri Vijaya - Majapahit Empire, ASEAN integration 2015, Global Debt Facility, Galactic Federation, at ang MAHARLIKA

This is posted from my interactions at a Social Media site, to foreign readers will translate in English version soon (or better still if knowing a Filipino friend have it translate for you, and don't be surprised if he/she would express surprise too):

quote:
"...sa obserbasyon ko po ang nakasaad sa kasunduan ni Marcos ay nagmula pa sa panahon ni Haring Bernardo Carpio, at sa kasaysayan ng Mundo dito mai-ugnay sa mga pangyayari nuong 12th Century sa panahon ng Mongolian Army; dito din nakasaad ang matalinghagang kaugnayan ng ating mga Ninuno at Diwata.


Samantala ang nakasaad sa kasunduan ng Maharlika royalty ay nagmula pa sa Sri Vijaya - Majapahit Empire at nang bumalik muli sa Lupain ng mga Maharlika nuong 15th Century. Sa personal research din na kapag hindi dapat isinangtabi ang kaalaman ng ating mga Maharlikang Katutubo ay mai-ugnay na ang iba pang kaharian na nasasakop sa Sri Vijaya - Majapahit Empire ay nagmula sa Lupain ng mga Maharlika, specifically sa Cibolan sa paanan ng Mt. Apo.
link: Did Humanity originate from the foothills of Mt. Apo?!


Mula sa mga Ninunong Maharlika ay nagmula ang mga kaharian ng Champa Kingdom ng Vietnam (maaring pagkatapos ng pagputok ng Mt. Pinatubo) sa 7th Century; ang kaharian ng Khmer (nang sa wakas nagtagpo ang mga dating kababayan ng Maharloka na Dravidians at Maharlikans ay itinayo nila ang Angkor Wat); ang kaharian ng mga Mon Tribe (tulad ng Arakan Valley sa Mindanao na nakatira ang Talaingod Tribes, may Arakan din sa Myanmar at ang nakatira ang mga Mon na kilala sa ibang pangalan na Talaing); ang kaharian ng Siam ng mga Thai's (ang Thai ay maaring nagmula sa Maharlikang salita na Tao dahil ito ang ibig sabihin nito, at Taong Malaya dahil ito ang ibig sabihin ng Maharlika); hanggang naging Sri Vijaya Empire na ayon sa natuklasang Laguna Copperplate dated 900 AD ang seat of power sa panahong iyon ay nasa Mindanao dahil ang Chief of Medang (na bahagi ng Mataram Kingdom sa Java) ay representante lamang ng Chief of Diwata sa Butuan, Mindanao. Mula sa Mataram Kingdom ay lumakas ang Majapahit Empire na ayon sa nakilala kong Datu ng isang katutubong Tribu ang salita ay nagmula sa isang bundok sa Surigao, sa Mindanao. Sa 15th Century ay bumalik ang Maharajahs ng Majapahit Empire at sa dalang Kodigo ni Kalantiaw (na binalewala ng banyagang kulang sa alam sa mga Ninuno at kabalbalang sinunod naman ng mainstream academe) ay mapupuna ang matinding pag-respeto sa mga Diwata na nakatira sa Maharlika. Mandin ang mga subjects ng Majapahit Empire na lumipat sa Bali ay tinagurian nila ang isla bilang "Pulau Dewata" or island of the gods.
link: From Arakan Valley, Mindanao to Arakan, Myanmar


Parehong makapangyarihan ang mga dokumentong hawak ng Maharlika Royalty mula Sri Vijaya -Majapahit Empire ng 15th Century, at ang dokumento ni Marcos na nagmula pa kay Haring Carpio sa panahon ng Mongolian empire sa 12th Century. Sa panahon ni Rizal ay nakasaad na muling binili niya ang Bansa sa katuwang ng Incarnate na Diwata na si Maria Cristina mula sa Espanya at makatarungang nakalagda bilang Titulo de Propriedad Numero 4136 pero nang bumalik ay inaresto siya sa bisa ng Maharlikang Antas 01-4 pero maaring ang tunay na dahilan dito ay para kalabanin ang mga abusadong mananakop na mga pari (tinawag ng mga Ninuno na mga "switik") at Kastilang kurakot, dahil si Dr. Rizal ay nagmula din sa Maharlika Royalty dahil ang tunay niyang ama ay si Prince Julian McLeod Tallano. Taliwas sa itinuro ng mainstream history, hindi nagtapos ang buhay ni Rizal sa Luneta kundi buhay siya at gumanap ang Maharlika ng napakahalagang mga tungkulin sa World Events sa pamamagitan ni Fr. Jose Antonio Diaz at abugadong si Pres. Marcos. Si Fr. Jose Antonio Diaz at si Dr. Jose P. Rizal, ay IISA.
link: Philippine History Revisited - Vidimus


Ang Maharlika Royalty na mula pa kay Haring Bernardo Carpio at Maharajahs ng Sri Vijaya - Majapahit Empire, ang mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, ang presidenteng si Ferdinand Marcos, ay mga taga-pagpangalaga, ADMINISTRATORS ng kayamanan ng mga Ninunong Maharlika. Ito ay pamana na sa Sambayanan at Sangkatauhan. Mula dito ay naitayo ang Global Debt Facility na sasalba sa buong Sangkatauhan laban sa mga manlulupig at abusado.
courtesy of FEM  Documents and Video Compilation, from FB








At sa Kasalukuyan ay muling binuhay ni Pres. Marcos at mga Southeast Asian leaders ang Imperyong Maharlika ng Sri Vijaya-Majapahit Empire sa pamamagitan ng ASEAN na mag-integrate na sa 2015. Mula sa mga Diwata ay naka-antabay ang Kalawakan ang Galactic Federation at may malalim na kaugnayan ang ating mga Ninuno sa Pleiadians sa pamamagitan ng mga Diwata. Ang Bansang Maharlika ay Interstellar Civilization.
link: Revealing a hidden meaning of Maharlika Flag



Hinihiling ko po sa mga kapwa Maharlikans, lalo na sa mga Maharlikan academe ng U.P., na bubusisihing mabuti ang mga naipon kong mga personal research dito at magkaroon ng comprehensive position ang MAHARLIKA sa Kasaysayan ng Sanlibutan at Kalawakan.

Ang panindigan ng panig ng Maharlika Royalty ng Sri Vijaya-Majapahit Empire, ang panindigan ng panig mula kay Haring Bernardo Carpio at ng mga bayaning si Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Presidente Ferdinand Marcos, ang napakalalim at napakayamang kaalaman na nai-preserba ng mga Maharlikang Katutubo, ito ay panawagan na ang bawa't MAHARLIKA ay MAGKAISA.

At muling babalik ang MAHARLIKA para tubusin ang Sanlibutan, abutin ang Kalawakan, upang ang bawa't naninirahan sa ating Mundo ay maging ganap na MAHARLIKAN, MALAYANG NILALANG.