This is my recent post to a pinoyexchange thread entitled "Pinoy ka kapag.." (You're Pinoy if...)
A poster commented on his/her professor who mentioned that Maharlikan meant royal blood. I believe however, that Maharlika is a state of mind.
"Ok. Maari rin namang maging kadahilanang ang isang tao ay Maharlikan sa sinaunang panahon sa dugo kung ipinanganak ka ng Maharlikan na magulang. Pero ang wastong kahulugan talaga ng Maharlikan sa mga ancestors natin ay isang Malayang Tao. Marahil naging Maharlikan siya dahil sa mga magulang niya. Nguni't maari ring Maharlikan siya dahil sa noble act or great effort upang makamtan ang kalayaan.
Siguro kung alipin ang isang tao sa isang imperyo malayo sa bansa natin at nanaiisin niyang maging malaya, tatawirin niya ang malawak na karagatan tungo sa bansa natin at kapag makaligtas sa mapanganib na paglakbay, tumpak maging malayang tao siya at makapagbagong-buhay sa bansang ito. O di kaya pinalaya siya ng kanyang amo dahil sa kabutihang nagawa. Kaya noong sinaunang panahon napakaganda bansaging Maharlika ang isang tao (na binastos ng isang pilipinong 'iskolar kuno' centuries later).
I believe being Maharlikan is a state of mind dahil sa Sanskrit na maha lekha na ibig sabihin ay Noble Creation or Great Effort. Matindi kasi ang Sanskrit, ang quality nito ay maihahambing sa Greek at Latin na malalim ang definition ng mga salita.
Ang kinaiinisan ko lang bakit ang mga educational institutions ng bansang ito hindi gaanong nag research sa pre-colonial history ng bayan. Kaya pala when compared to other countries' universities palaging kulelat sa quality, kahit magaling pa kuno sa ingles. Kasi sa ibang bansa tinuturuan sila on building their very own countries, strengthening its culture, fostering its creativity as a nation. Eh dito sa Pilipinas tinuturuan lang how to be efficient commodities for the economic machinery at dinidisregard ang pagpapalakas sa kultura natin bilang isang bayan at palaging naka inculcate sa mga estudyante to serve efficiently the foreign masters, and that the struggle against them only results to futility. Eh karamihan nga hindi marunong mag appreciate ng Art sa nation building. Kaya kahit yang mga premiere schools pa ipinagmamalaki ninyo, kulelat pa rin mga yan to compare with other countries' educational institutions (kahit hindi magaling mag-ingles mga teachers) pagdating sa survey kasi sa kanila they empower their very own countries, unlike dito sa pinas. Dapat magdemand kayo ng pagbabago sa mga schools ninyo at iba pang govt insitutions, magdemand kayo sa mga professors ninyo na mag research sila sa pre-colonial history natin dahil hindi pa nila ginampanan ang dapat matagal nang ginawa nila, at naging kulelat ang bayan dahil sa kakulangan nila bilang educational institutions.
Para hindi OT, sasabihin ko na lang na pinoy ka kapag ganyan ginawa sa inyo ng educational institutions ninyo.
Very sad, but I must say it."
http://pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=350490&page=3
No comments:
Post a Comment