Wednesday, February 11, 2015

Bansang MAHARLIKA



MAHARLIKA lamang ang tanging paraan para manatiling magkaisa ang Bayan. Kaharian ng mga MAHARLIKA ang pangalan ng Bansa bago pa ito tinawag na Pilipinas ng mga Kastila. Ayaw ng ibang kababayang Muslim na tawagin silang Filipino dahil hindi sila nasakop ng mga Kastila, pero ipagmalaki nila na tawagin bilang MAHARLIKA. Alam na rin ng mga Katutubo / Lumad ang MAHARLIKA simula pa sa pag-Likha ng mga unang Malayang Magulang ng Sangkatauhan . Ang ibig sabihin ng MAHARLIKA ay MAHAL, MALAYANG NILIKHA.


Ang Kaharian ng MAHARLIKA bago pa dumating ang mga Kastila ay kinabilangan ng lumang Kaharian ng Butuan kahit nuong panahon pa ni Haring Solomon, ng mga Maharajahs ng Hindu - Buddhist Sri Vijaya - Majapahit Empire (naging pinakamayamang imperyo sa Mundo by 14th Century) nang bumalik muli sa MAHARLIKA mula sa Java taong 15th Century, ang Sultanate of Sulu na ang pinakaunang Sultan ay dumating sa Mindanao sa panahon ng Ottoman Empire ay tagapagmana ng kayamanan ng ancient Persian, Greek, Roman Empires, at 10% ng kayamanan ng Muslim World. Pinukaw muli ni Pres. Marcos at iba pang magagaling na liderato ng Southeast Asia ang lumang Imperyo ng mga Ninunong MAHARLIKA sa pamamagitan ng SEATO na naging kasalukuyang ASEAN.

Ang MAHARLIKA ay magbibigay ng pagkakaisa hindi lang ng buong Bansa kundi ng buong Southeast Asia at kahit ng buong Mundo ng MALAYANG Sambayanan at Sangkatauhan.

No comments: