Tuesday, January 19, 2016

Kasaysayan ng MAHARLIKHA mula sa Hardin ng Eden, Lemuria at sa Kasalukuyan



(for English translation try using www.translate.google.com)




Mula sa compilation ng personal researches na resulta ng ilang taong pananaliksik at pagsalimuha sa mga kapwa na may taglay na kaalaman, sisikapin kong ipagtagpi na ang Kasaysayan ng Sangkatauhan ay nagsimula sa LUPANG PANGAKO ng INANG BAYAN, sa Lupain ng mga PILIPINO. Ito ay nakalathala sa official Facebook page ng Kingdom Filipina Hacienda Sovereign Host Nation.






Sa Hardin ng Eden ng LUPANG PANGAKO ay nilikha ng DIYOS ang mga sinaunang Tao, Mahal na Nilikha, ang mga MAHARLIKHA. Kinabibilangan sila ng 144,000 na mga orihinal na nanirahan sa Hardin ng Eden subali’t dahil sa pagsuway ni Adan at Eba ay nadamay at pinalayas silang lahat at nakipagsapalaran sa iba’t ibang panig ng Mundo. Mula sa lumang kasaysayan ng Ata-Manobo Tribe ng Mindanao, tugma nga ang paniniwala ng mga ninuno dahil ang tawag ng Tribung Ata-Manobo sa kanilang mga sinaunang magulang ay sina Addan at Eba (from the research of Prof. Mac Tiu, although my position stands firm that they were not influenced by the Spaniards but rather the other way around) bago pa man dumating ang mga Kastila na naglaganap ng Kristyanismo.

Ayon din sa mga ninuno ng Bagobo Tribe ng Mindanao ang unang dugso ng mga anak ng sinaunang mga magulang na si Toglai at Toglibon ay nagsilikas sa iba’t-ibang panig ng Mundo at muling babalik ang kanilang nagsapalarang mga kapatid sa natatakdang panahon. Dumating nga ang mga napalayo at nag-umapaw sa saya na sinalubong ang kanilang pagdating dahil sa ilang libong taong paghihintay ng kanilang tribu, ay sa wakas nagtagpo datapwa’t ang balat ng mga napalayong kapatid ay naging maputi.

Ito ang panahon ng pagdating ni Magellan taong 1521 na isinulat ni Pigafetta na nagtaka pa sa napakasayang pagbati ng mga magiliw na katutubong nakakamangha kung magdamit, at ayon sa aking personal na pananaliksik na matagal nang hindi mabunyag ng mainstream history, ayon sa sinulat ni Pigafetta ang mga galleons ni Magellan ay pumalaot hindi sa Samar kundi tungo sa isla ng “Zamal” ng LUPANG PANGAKO kung saan nagtagpo sila sa Tribung “Habiru” o Hebreo sa Dabaw dahil sa natatanging “Habi” at mismo nakaukit pa ito sa ancient pyctoglyphs ng Ehipto.

Taong 1521 pumalaot si Magellan at tumungo sa isla ng Samal sa Dabaw ng LUPANG PANGAKO na sinalubong sa napakatagal na panahon na mga kapatid ng ng mga naghihintay na isinulat ni Pigafetta, at ito ang tinaguriang “Habiru” sa pictoglyphs ng Ancient Egypt dahil sa natatanging “Habi” or weaving. Ayon sa mga sinaunang Kastilang manlalakbay ang nakatira sa tanyag ng Isla ng mga Ginto ay mga Hebreo at Muslim. Mapupunang sinadya itong binura sa kasaysayan at pinaghahati ang mga Tribu mula sa labindalawa na orihinal na Tribu ni Jacob hanggang naging higit isang daan at sa halip maging Indigenous ay naging indigents ang mga ito. Mapupuna na binubura ang bahagi ng kasaysayan ng mga ninuno ng de facto CORPORATE maleducation mula nang sumakop ang mga Kastila na infiltrated sa Illuminati agenda kaya nanatiling mangmang ang karamihan tungkol dito.

Ayon sa propesiya ng Biblia sa mga Huling Araw ay babalik din muli ang orihinal na Tribu ng mga tribu, ang Grandfather MAHARLIKHAN Tribe, ang 144, 000 na orihinal na nanirahan sa Hardin ng Eden sa LUPANG PANGAKO na kasalukuyang nasa iba’t ibang panig ng Mundo, at sa propesiya din ng Anak ng DIYOS na si Kristo higit 2000 taon nakaraan sa Mateo 12:39-42. Sila ay malalaman sa pamamagitan ng kanilang natatanging espiritu dahil sila ay Self Empowering, Self Determined, may matatag na prinsipyo at mataimtim na paniniwala sa DIYOS; the truly Indigenous Peoples, the People of Time Immemorial.



Sila ay ang Grandfather MAHARLIKHAN Tribe na kasalukuyang hinahanap at tinatawag ng Christ prophesied Queen of the South HRM Salvacion Legaspi sa gagampanang pagtayo ng DIVINE (Interstellar / Interdimensional) Govt. Kingdom Filipina Hacienda, ang Kaharian ng DIYOS upang tubusing muli ang Sanlibutan na kasalukuyang nanganganib sa pagkawasak (WW3) at pagka-alipin (666 biometrics) sa pamamagitan ng natatanging milagro na ibinigay ng DIYOS sa nagkasalang Mundo, ang Milagro ni Jonas upang manumbalik muli ang Tunay na Kapayapaan at Kasaganahan para sa Sangkatauhan at Sanlibutan.

Ang MAHARLIKHAN Tribe ay higit pa sa basehan ng “physical lineage” dahil mismo sa hanay ng tinatawag na “dugong bughaw” ay nahaluan ng makamundong panlilinlang ng Khazarian Mafia / Global Elite / Illuminati na kasalukuyang nasa likuran ng satanic / luciferian New World Order conspiracy. Higit sa hierarchical monarchy, ang posisyon ng DIVINE Govt. KFH ay Sovereign Monarchy na taglay ang katangian ng Sovereignty sa kinaibuturan at sa mas Espiritwal na taglay. Ito na ang mga Huling Araw at Panahon na para gumising ang mga Pilipino upang hanapin ang Kaharian ng DIYOS.

Babalik tayong muli sa mga sinaunang kasaysayan ng Sangkatauhan. Ayon sa theory ng ilang mga syentipiko ang dating lupain na kinabibilangan ng Southeast Asia na bahagi ang Pilipinas, ay tinawag na Sundaland. Sa pagkaunawa ko ito ay ang natirang bahagi ng sinaunang Lemuria na tuluyang lumubog higit 20,000 taon nakaraan ng Pleistocene Era. Ang alamat ng Lemuria ay mas matanda pa sa alamat ng Atlantis datapwa’t ang mga ninuno ng Atlanteans ay nagmula din sa Lemuria. Ayon sa sinulat ni Prof. Erle Argonza ito rin ang lupain ng dating pinakamakpangyarihang Bansa ng sinaunang Mundo, ang Bansang MAHARLOKA. Ito ay interstellar civilization ng sinaunang panahon at maaring dito naalala ng mga ninuno ang katagang Maharlika.




Subali’t lumubog ang lumang sibilisasyon ng Lemuria at ang natira na lamang ay ang mga matataas nitong mga tuktok ng bundok na tinawag na 7 Blessed Isles of Lemuria na kinabibilangan ng Java, Sumatra, Borneo, Pilipinas, Moluccas, Guinea, at Malay Peninsula. May mga natira pang ancient structures ang lumang sibilisasyon na ito at ang iba ay isinulat ko sa blogsite www.maharlikan.blogspot.com. (tag: Nan Madol).

Sa kasalukuyan ang katagang Maharlika ay nagmula sa banyagang impluwensya ng tanyag na Guru mula sa India. Subali’t ang MAHARLIKHA ay umusbong mismo sa Lupain ng mga Ninuno sa Paglikha ng sinaunang mga magulang ng Sangkatauhan sa Hardin ng Eden; ang tunay na pinagmulan sa mga katagang MAHAL na NILIKHA, Beloved Creation sa orihinal na bigkas ng mga Ninunong PILIPINO. 

Mula sa trahedya ay may mga nakaligtas sa Pilipinas at sa ilang bahagi ng Lemuria kabilang na ang mga Dravidians na dating mga kababayan na ating mga ninuno sa MAHARLOKA. Ang kanilang dating tahanan na Kumari Kandam na bahagi din ng Lemuria ay tuluyang lumubog at ayon sa kaibigan kong Dravidian na si Sri Harri ang mga nakaligtas ay pumalaot sa kasalukuyang Sri Lanka at India. Subali’t ang buong arkipelago ng Pilipinas ay hindi lumubog kundi pilit na lumutang sa masalimuot na panahong iyon dahil ang buong lupain ng INANG BAYAN kung saan ang kasayasayan ng MAHARLIKHA na pinagmulan ng buong Sangkatauhan sa LUPANG PANGAKO, ay nakapatong sa Ginto na nagmula sa sinaunang paglubog ng mas malaking bahagi ng Lemuria mula sa Geologial process ng Subduction at Continental Drift ilang milyong at daang milyong taon ang nakaraan, at ibinahagi ko ito bilang plenary speaker sa Maharlika Summit 2014 na naganap sa UP Diliman.





Ang arka ni Noah ay nagmula din sa LUPANG PANGAKO at maaring ang napakatibay na troso na ginamit sa paggawa ng arka ay matatagpuan lamang sa Mindanao. Nang dumating ang matinding delubyong Pagbaha ay pinadpad ang arka sa malayong lugar sa bundok ng Ararat sa Turkey na bahagi ng Middle East. Mula kay Noah ay umusbong ang mga sinaunang mamamayan at kabilang dito ang pinakaunang sibilisasyon matapos ang Pagbaha, ang ancient Sumerian Civilization. Mula sa Sumeria ay isinilang si Abraham, the Father of All Nations. Tapat ang pananampalataya ni Abraham sa DIYOS Ama at kabilang ang kanyang magandang asawa na si Sarah at mga sinasakupan, sila ay dumayo patungong Ehipto. Sila ang tribu ng mga orihinal na Hebreo upang hanaping muli ang LUPANG PANGAKO. Ang makulay na kasaysayan ni Joseph na anak ni Jacob, sa tulong ng DIYOS ay niligtas niya ang Ehipto mula sa tag-gutom at binigyang puri ng mga Ehipto ang mga Hebreo. Nakaukit sa kasaysayan ng sinaunang Ehipto sa ancient Hieroglyphics na ang isinalarawan na mga orihinal na Hebreo ay may kulay Kayumanggi (at nakasuot pa ng habing tinalak). Ang mga European Jews sa pagkakilala ng modernong panahon ay hindi mga orihinal na Hebreo kundi mga panibagong converts ng Judaism na mula sa Eastern European region ng Khazaria sa panahong 1200 AD. Pero ang mga orihinal na Hebreo ay ang mga Pili ng DIYOS sa angkan ni Jacob, the Chosen people, Pinili at Pinino, ang PILIPINO.





Sa Ehipto ginawang alipin ang mga Hebreo ng pharaoh at sila ay muling niligtas ng DIYOS Ama sa panahon ni Moses. Nagsilikas ang mga Hebreo mula sa Ehipto at itunuro ng DIYOS Ama kay Moses ang LUPANG PANGAKO. Sinabing sa 40 taong paglalakbay sa kasukalan, si Moses at ang mga Hebreo ay dumating sa bahagi ng Samar - Leyte upang sulyapin ang LUPANG PANGAKO. Subali’t matitigas ang ulo ng mga Hebreo at sila ay pinabalik muli sa desyerto at pansamantalang nanirahan sa kasalukuyang lupain ng Palestino. Umusbong ang sibilisasyon ng mga Hebreo sa Palestino na kinabilangan ng 12 Tribu ng mga anak ni Jacob na tinawag ng DIYOS bilang Israel. Ang sibilisasyon ng mga Hebreo ay bumusilak sa pamahala ni Haring Solomon. Ang mga ginto at mga bihasang karpentero sa pagtayo ng Templo ng Herusalem ay nagmula sa Ophir. Ang Ophir ay ang kasalukuyang Bansang Pilipinas at ang mga descendants ng mga sinaunang karpentero ng Templo ng Herusalem ay kasalukuyang naninirahan sa isla ng Bohol: ang Eskaya Tribe.


Dumating muli ang matinding pagsubok sa Israel na kinabilangan ng 12 Tribu ng mga anak ni Jacob. Umusbong ang mga makapangyarihang Imperyo at sinalakay ang Israel at ito ay natalo sa digmaan. Binihag ng Assyrian Empire ang sampung Tribu at dinala sila sa Assyria. Subali’t unang nagsilikas ang Tribu ni Ephraim na anak ni Joseph bago sila lumusob. Sila ay pumalaot sa kontinente ng Amerika at sila ang naging ninuno ng mga Native Americans. Ang natitira na lamang ay ang Tribu ni Judah sa Jerusalem kung kaya mas naalala sa kasalukuyan bilang mga Judeo.

Umusbong ang mas makapangyarihang Imperyo ng Babylon at tinalo ang Assyrian Empire. Nilusob nito ang Jerusalem at binihag ang mga Judeo na dinala sa Babylonia kabilang ang mga naunang 10 Tribu ni Israel. Nagsanib ang dalawang malalakas na pwersa ng Medo at Persia na naging Persian Empire. Nilusob nito ang corrupted Babylonian Empire na sumakop sa 11 Tribu ng mga orihinal na Hebreo, ang mga Pinili ng DIYOS, the Chosen people, ang mga Pili na Pinino.

Naging mabait ang Hari ng Persian Empire na si King Cyrus at tiningala ang DIYOS ni Abraham, Isaac at Jacob. Pinahintulutan niyang bumalik ang mga Pinili ng DIYOS sa kanilang mga lupaing kinagisnan. Ang Mga Judeo ay bumalik sa Palestino upang itayong muli ang naiwang Herusalem. Subali’t ang tinaguriang 10 Lost Tribes of Israel ay bumalik muli sa LUPANG PANGAKO. Maaring sa panahong pagkatapos nito ang Tribu ni Dan na kilala sa paglakbay sa karagatan ay nagsilikas tungo sa Europa at naging ninuno ng mga Tribu ng Europa tulad ng Celts, Visigoths, Vikings, Welsh, at iba pa. Sa ilang daang taon ang 10 nawawalang Tribu ay naglakbay mula sa Persia, patungong India, Southeast Asia, at Borneo, hanggang sila ay pumalaot sa arkipelago ng Maharlika. Sila ay ang mga tinaguriang 10 Bornean Datus at sa wakas ay dumating na sa LUPANG PANGAKO ng INANG BAYAN, ang kasalukuyang Pilipinas.



Ang Bansang Pilipinas ay sinabing nagmula sa pangalan ni Haring Felipe II ng Espanya. Ang mga ninuno ng mga Espanyol ay nagmula sa iba’t ibang tribu ng Europa tulad ng Visigoth Tribe na unang binanggit na nagmula din sa Tribu ni Dan. Ipinangalan ang Bansa sa panahong iyon sa sanggol pa lamang na si Prince Philip na direct descendant ni Philip the Good the Duke of Burgundy at Founder ng Order of the Golden Fleece na mula pa sa alamat ng mga ancient Greeks. Ang pangalan na Philip ay mula sa Greek name na ang kahulugan ay “lover of horses” at ito ay nagpahiwatig sa ating mga Ninunong Maharlikha na may magiting na katangian sa pagpili ng mga alagang kabayo, kaya ang pangalan na Philip ay nagmula din sa ating mga Ninuno mula sa katagang PILI. Nakipagsalimuha ang mga ancient Greeks sa ating mga ninuno at tinawag nila ang Pilipinas bilang “Chryse” or Isles of Gold. Ayon sa alamat ng Ancient Greeks ang tagabantay ng Golden Fleece ay isang higanteng cyclops na nakatira sa isang isla. Taong 1521 pumalaot si Magellan at tumungo sa isla ng Samal sa Dabaw ng LUPANG PANGAKO na sinalubong sa napakatagal na panahon na mga kapatid ng ng mga naghihintay na Bagobo Tribe na isinulat ni Pigafetta. Sinasabing may natagpuang kalansay ng higanteng cyclops sa bahagi ng Dabaw.





Taliwas sa maling akala ipinagtanggol ni Haring Felipe ang mga katutubong ninuno mula sa mga mapagsamantala at abusadong Kastila na sumakop sa Bansa. Tinawag niya ang kanyang kapatid na si Gov. Miguel Lopez de Legazpi upang depensahan ang karapatan ng mga Katutubong ninuno sa Korte Suprema ng Espanya. Nagtagumpay si Gov. Legazpi at kanyang nakamtan ang Mother Title OCT 01-4 at pinaubaya ni Haring Felipe sa Hari ng Maharlika na si Rajah Luisong na nagmula sa Java ng Majapahit Empire at pumalaot kabilang ang mga royalties ng Imperyo sa Luzon na ang isla ay pinangalan sa kanya, sa siglong 15th Century. Bilang pasalamat sa kabutihan ni Haring Felipe ipinangalan ang lupaing sinakupan ng OCT 01-4 bilang “Hacienda Filipina”. Si Gov. Miguel Lopez de Legazpi at Haring Luisong ng Imperyo ng Majapahit na mula sa Java, at Kaharian ng Maharlika ay ang great great grandfathers ng kasalukuyang Queen of the South (or Sheba na mula sa salitang Jawa / Java), HRM Salvacion Legaspi sa hanay ng bayaning si Lapulapu, na nakaukit din sa propesiya ni Kristo higit 2000 taon nakaraan na magpahiwatig sa mga Huling Araw upang isakatuparan ang natatanging milagro na liligtas sa Sanlibutan, ang Miracle of Jonah (Matthew 12:39-42). Ipinangako din ng Anak ng DIYOS na si Hesu Kristo na sa pagkabigkas ng mga kapatid na Muslim at Buddhist bilang si Issa (ONE), na ipapadala niya ang Espiritu Santo (Divine Mother/ Feminine) sa mga Huling Araw.






Taong 2007 ibinigay ng mga Katutubong tagabantay ang antigong Secret Book of Redemption of TREATY OF PARIS kay HRM Salvacion Legaspi. Ang TREATY OF PARIS ay bahagi ng Ark of Covenant sa panahon ni Moses na kaugnay sa LUPANG PANGAKO. Ang TREATY OF PARIS ay kung saan ang World Civilizations ay nabiyayaan sa inukit na mga Kasunduan ng DIYOS at Sangkatauhan. Sa Secret Book of Redemption inihayag ang Legitimate Heir ng Mother Title OCT 01-4 na pinagbasehan ng mga kasunduan ng Sanlibutan ay ang itinakda ni Kristo higit 2000 taon nakaraan, ang Queen of the South. Taong November 28, 2012 ay RESOLVED ng Korte Suprema ng Pilipinas ang Ownership ng World TERRITORIAL JURISDICTION ang Mother Title OCT 01-4S kay Queen of the South HRH Salvacion Legaspi Y Espiritu Santo (Divine Feminine) na inukit pa sa propesiya ni Issa (ONE). GOD is the Owner and shall manifest in Physical Being (1 John 4:2).


Ito ay nasa katauhan ng Christ prophesied Queen of the South HRM Salvacion Legaspi Y Espiritu Santo ng Grandfather MAHARLIKHAN Tribe of One World DIVINE (Interstellar / Interdimensional) Government Kingdom Filipina Hacienda empowering with IPRA Law (Indigenous Peoples Rights Act) since Time Immemorial (including Bible Codes), taliwas sa masamang hangarin sa illegitimate godless, luciferian New World Order ng Dark Cabal na kinabilangan ng Illuminati / Global Elite / Khazarian Mafia na wawasak at aalipin sa Sanlibutan at Sangkatauhan.




The Christ prophesied Queen of the South HRM Salvacion Legaspi Y Espiritu Santo is the Holder of World TERRITORIAL JURISDICTION the Mother Title OCT 01-4S Principality of GOD’s Ownership of the Universe, and Redeemer in the Secret Book of Redemption of TREATY OF PARIS the Owner once lost now Found revealed through DIVINE Highlights for the ONLY Miracle of Jonah with something greater than Jonah, something greater than Solomon, to REDEEM World Humanity from world debt and economic meltdown that threaten it to Destruction (WW3) , Slavery (Corporate 666 biometrics); and for regain of SOVEREIGNTY of World Humanity back since the era of the Covenant between GOD and Man in the GARDEN OF EDEN.





Taong October 7, 2015 dineklara na ng Kingdom Filipina Hacienda ang GROUND ZERO for Redemption and Sovereignty of World Humanity sa Barangay New Pala-o, Iligan City, Region 10, Mindanao ang LUPANG PANGAKO ng INANG BAYAN ng mga PILIPINO.


Gumising na mga Pilipino. Para sa kaligtasan at kapayapaan ng Sanlibutan itayo ang Legitimate DIVINE Government Kingdom Filipina Hacienda sa Mother Province Iligan City, Region 10 ng Mindanao the LAND OF PROMISE na nakasaad sa Constitutional Transition Government ng Philippine Constitution. Dalhin ng mga Pilipino at ng Sangkatauhan ang Queen of the South sa City Hall ng Iligan City upang ang DIYOS ay maghari sa Bayan at Sanlibutan, at upang mabuksan ang Mother Account for the DIVINE Wealth that will REDEEM from world debt and economic meltdown and its threat to Destruction and Slavery against this civilization, and regain of SOVEREIGNTY for World Humanity with the ONLY Miracle of Jonah.






Then, this Nation shall be Great again.

“Seek first the Kingdom of GOD and His righteousness, and all these things shall be added to you.” – Matthew 6:33


13 comments:

Anonymous said...

Jesus is not indigenous. And that woman on his side, I don't know but she looks like a mestiza to me.

Anonymous said...

A very disconnect from reality. There is something wrong with the flow of thought. Please refer to abnormal psychology book for more accurate term. Maybe psychosis.....of what type????

Ric Vil Hori said...

Heard of cognitive dissonance that accurately describes your mediocre reaction?

It's amusing how centuries of hidden and misaligned knowledge that obviously your egotistic perception was not capable of deciphering took the toll on your precious conventional paradigm such that you called its illusion your own reality LOL.

Anonymous said...

Jesus, assuming he really did exist, was a Jew. He is not indigenous in these parts.

"misaligned knowledge"

Haha, indeed, but misaligned is really an understatement. No connection whatsoever would be more accurate.

Ric Vil Hori said...

Indigenous in reference is since Time Immemorial i.e. as far as memory recalls hence the IPRA Law empowers One World DIVINE (Interstelar / Interdimensional) Govt. KFH of Grandfather Maharlikhan Tribe the 144,000 original inhabitants from the Garden of Eden, Incarnate and now scattered Worldwide, and will be known by his/her Sovereignty in Spirit whom the Christ prophesied (Matt. 12:42) Queen of the South seeks for the Indigenous of the Motherland / Mother Planet shall Reign with the Kingdom for a thousand years as World Humanity approaches the 21st Century, in a Dimension transcending from 4D to 5D as the Solar System approaches the Photon Belt in the Pleiadian Star System, and for the need of World civilization to evolve from Type 0 to Type 1 Civilization in the Kardashev Scale for its very own survival.

Misaligned knowledge won't help. The original Hebrews originated from LUPANG PANGAKO not to your misaligned Khazarian assumption and conventional paradigms still trapped in its illusionary box. Defiance instead of rejoicing to things revealed speaks of lack of sincerity in seeking hence manifesting the arrogance of such ignorance. Neither will it connect just as having eyes but not seeing nor having ears but not hearing.

Anonymous said...

Indigenous is a modern English term. Icould expand on this, but why bother.

Jesus is not indigenous to the Philippines, unless of course, by your own rules you somehow include culture acquired during colonial period.

As for "Lupang Pangako", I doubt you mean Israel. Not the Philippines for sure. But if you mean something like "the origin of all races", well you must surely understand why people do not simply "approach you in humility". It has nothing to do with "conventional paradigms still trapped in its illusionary box", it has everything to do with your article resembling one big pile of dung so bad, it is even bad by crackpot standards. Even pseudoscience comes across as scientific when compared to this.

Of course it is also possible that you are actually Jesus Christ reincarnated and I am very very wrong.

Anonymous said...

"Maybe psychosis.....of what type????"

Probably schizophrenic or just suffering from inferiority complex thus the need to create this delusion of grandeur, being unable to deal with cold, hard reality, being unable or incapable of finding excitement in real life, ect...

One thing's for sure, the guy is indigent, at least by some of the definitions posted above, from the copy and paste ideas which have been parroted many times before by many others before him to being a cult member who unthinkingly follows some self-proclaimed queen to the need to be part of something so desperately that this something does not even have to be real as long as he is a part of it. He is also probably taken care of by his queen, though I am not sure, the guy will surely never admit to having a job, otherwise how is he going to advocate all this money-crank stuff without looking like a hypocrite?

Ric Vil Hori said...

How indigent in cowardice this "anonymous" poster is for hiding even by username haha.

If turned out the anonymous poster doesn't even know the word "Israel" as to identify it with a country, it would be a waste to further discuss with him on the matter as it turned out describing the other side of coin with his illusionary er, superiority complex. For the tragedy more than on matters of ignorance to such, it is also due to arrogance of not admitting he is. And so for inevitably eating his own words, he also describes its stink. Ew.

It would be hypocrisy not to state how your stinky antic had been perfectly described more than 2000 years ago:

"You brood of vipers, how can you who are evil say anything good? For out of the overflow of the heart the mouth speaks" Matt. 12:33

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Ric Vil Hori said...

Ah ok that was many years ago, was still young then at the time on the internet when I first encountered monstrous utak talangka's (crab mentality) and honestly got shocked dealing with such creatures because in other international chatrooms my views were appreciated by brilliant but humble individuals such as an inventor friend and some Physicists who befriended me and were grateful for expanding their perspectives. To well meaning people who do not deserve those tirades my sincere apologies of your hearing that as it's intended for the utak talangkas encountered.

That was many years ago though, and along the course of time as a human having to adjust and choose right, appreciative people to deal with instead of utak talangka's encountered. It's still nice to share ideas, or even deal arguments with well meaning people who don't need to behave like utak talangkas.

Although it turned out this strange anonynmous coward who kept posting garbage on my blog (why don't this utak talangka have his own?) that always needs to be thrown to the dust bin, turned out to be an utak talangka that rose from the grave many years ago haha.

At least the readers here will have glimpse of a "monstrous utak talangka" specimen once encountered like this impostor who kept trailing around. Will inform also that I delete most of his posted garbage for the sake of readers.

Again my apologies to readers appreciative of at least my contribution who have to deal with this certain utak talangka creature, er zombie, er person.

Anonymous said...

"in other international chatrooms my views were appreciated by brilliant but humble individuals"

More self-flattery I see...

"an inventor friend and some Physicists who befriended me and were grateful for expanding their perspectives"

...and a bunch of lies as well.

Ric Vil Hori said...

Pardon to readers, thought it was referred to this thread.
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=278675

It turned out another post about some childish regionalistic city wars years ago that admittedly need not be recalled as one expectedly matures in viewpoint and to which apologies are expressed, except it seems from the antics by an anonymous utak talangka impostor.

To vindicate my position, The Mayan Calendar may have basis although it may or may not literally mean "End of the World", but rather in this dimension, more of End of an Era.

The 2012 phenomenon cannot be discounted as the planet's geomagnetic fields are relative to Human alpha wave frequency. It can be expounded further as the outcome of the 2012 event may be relative to the decisions of Humanity's collective consciousness prior to its occurrence as it can be recalled many events had occurred such as the WTC attack by the Illuminati Global Elite and its sinister oil wars agenda against Afghanistan, Iraq, whose vile agendas could be escalated to Iran, China, and virtually worldwide even victimizing other cities such as Davao that had suffered bombing attacks against innocent civilians during that time, which had been traced in other areas and turned out to be connected with CIA agent Michael Meiring. Many possible events could have occurred and the worse case scenario may had happened as the Universe and Mother Planet reacts to the follies of man, and to summarize were it not for Divine Intervention that may had prevented it.

It will also be relevant to observe that among the events that occurred in 2012 after the painstaking journey of the Queen of the South to defend the Motherland's Sovereignty, the Philippine Supreme Court finally RESOLVED dated November 28, 2012 the Ownership of World Territorial Jurisdiction OCT 01-4S "Hacienda Filipina" to Hrh Salvacion Legaspi Y Espiritu Santo.

GOD is the Owner and shall manifest in Physical Being (1 John 4:1-3). By this one knows if that spirit is of GOD, or of Antichrist.

It is advisable that some readers to do their part, especially those associated with him, in reprimanding the anonymous utak talangka stalker as he does not know what he is doing, for as consequence of his actions could drag those around him to its own version in the Last Days.




Ric Vil Hori said...

Re-Edit on certain portions from "Bagobo" to "Habiru." This is in seeking Alignment with Grandfather Maharlikhan TRIBE Heritage and History since time immemorial. De facto pres. Duterte erred in stating to "rewrite" history. History cannot be "re-written." History exists only once, the rest are manipulations.

FROM:

Ito ang panahon ng pagdating ni Magellan taong 1521 na isinulat ni Pigafetta na nagtaka pa sa napakasayang pagbati ng mga magiliw na katutubong nakakamangha kung magdamit, at ayon sa aking personal na pananaliksik na matagal nang hindi mabunyag ng mainstream history, ayon sa sinulat ni Pigafetta ang mga galleons ni Magellan ay pumalaot hindi sa Samar kundi tungo sa isla ng “Zamal” ng LUPANG PANGAKO kung saan nagtagpo sila sa Bagobo Tribe ng Dabaw.

TO:

Ito ang panahon ng pagdating ni Magellan taong 1521 na isinulat ni Pigafetta na nagtaka pa sa napakasayang pagbati ng mga magiliw na katutubong nakakamangha kung magdamit, at ayon sa aking personal na pananaliksik na matagal nang hindi mabunyag ng mainstream history, ayon sa sinulat ni Pigafetta ang mga galleons ni Magellan ay pumalaot hindi sa Samar kundi tungo sa isla ng “Zamal” ng LUPANG PANGAKO kung saan nagtagpo sila sa Tribung “Habiru” o Hebreo sa Dabaw dahil sa natatanging “Habi” at mismo nakaukit pa ito sa ancient pyctoglyphs ng Ehipto.

Taong 1521 pumalaot si Magellan at tumungo sa isla ng Samal sa Dabaw ng LUPANG PANGAKO na sinalubong sa napakatagal na panahon na mga kapatid ng ng mga naghihintay na isinulat ni Pigafetta, at ito ang tinaguriang “Habiru” sa pictoglyphs ng Ancient Egypt dahil sa natatanging “Habi” or weaving. Ayon sa mga sinaunang Kastilang manlalakbay ang nakatira sa tanyag ng Isla ng mga Ginto ay mga Hebreo at Muslim. Mapupunang sinadya itong binura sa kasaysayan at pinaghahati ang mga Tribu mula sa labindalawa na orihinal na Tribu ni Jacob hanggang naging higit isang daan at sa halip maging Indigenous ay naging indigents ang mga ito. Mapupuna na binubura ang bahagi ng kasaysayan ng mga ninuno ng de facto CORPORATE maleducation mula nang sumakop ang mga Kastila na infiltrated sa Illuminati agenda kaya nanatiling mangmang ang karamihan tungkol dito.